^

Probinsiya

Negosyante ulit inutas ng holdaper

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines – Nababahala na ang mga residente at negosyante sa lalawigan ng Bulacan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng krimen kung saan isa na namang negosyante ang binaril at napatay ng dalawang holdaper sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bustos kamaka­lawa ng gabi.

Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay si Florencio Domingo habang nakatakas naman ang riding-in-tandem na holdaper ta­ngay ang gintong kuwintas ng biktima.

Sa police report, lumilitaw na pauwi na ang biktima lulan ng traysikel nang harangin at holdapin ng dalawang ‘di-kilalang lalaki sa madilim na bahagi sa nabanggit na barangay kung saan pumalag naman ito.

Nagalit ang isa sa holdaper sa pagtanggi ng biktima na ibigay ang gintong kuwintas kaya binaril ito sa dibdib.

Namukhaan naman ng traysikel drayber ang dalawang holdaper na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan habang isinasagawa ang follow-up o­peration ng pulisya.

BARANGAY POBLACION

BIKTIMA

BULACAN

DALAWANG

FLORENCIO DOMINGO

HOLDAPER

NABABAHALA

NAGALIT

NAISUGOD

NAMUKHAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with