^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa mag-ina sumuko

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY ,Philippines  – “Ayaw niyang ipaubaya ang pag-iibigan namin ni Catherine,” ito ang mapait na pagsasalarawan ng 30-anyos na marino sa la­laking umagaw sa kanyang nobya kasunod ng pagsuko nito sa pulisya kahapon matapos mapatay ang babae at ina nito sa Barangay Paddad sa bayan ng Alicia, Isabela noong Sabado.

Sumuko ang suspek na si Abe Astacio sa pulisya sa sariling bayan sa Solano, Nueva Vizcaya matapos niyang pagsasaksakin at mapatay ang mag-inang Catherine, 25; at Liza Ga­lamay, 48, sa nabanggit na bayan.

Lumilitaw na kinompronta ni Astacio ang nobya at pamilya nito kaugnay sa pagpapakasal kay Jerry Acosta gayong nagregalo na siya ng bahay at lote para sa kanilang pag-iisang dibdib, ayon sa spot report ng pulisya.

Nadagdagan pa ng panibugho ang suspek na umuwing wala sa panahon mula sa East Africa nang malamang 3-buwang buntis na ang kanyang nobya kay Acosta.

Gayon pa man, kahit nabuntis ang babae ay nakiusap ang suspek kay Acosta na ipaubaya na lang sa kanya ang pag-iibigan nila ng nobya suba­lit tumanggi ito at naging matigas ang karibal.

Sa salaysay ng suspek sa pulisya na napunta lahat ng kanyang inipon pera sa paglalayag sa karagatan sa mga luho ng nobya.

Sa panig naman ni Acosta, lumilitaw na siya ang tunay na mahal ng babae at katunayan aniya ay fini-forward ng biktima ang mga maaanghang na text messages ng suspek sa kanyang cellphone.

ABE ASTACIO

ACOSTA

ALICIA

ASTACIO

AYAW

BARANGAY PADDAD

EAST AFRICA

JERRY ACOSTA

LIZA GA

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with