Army inutas sa sayawan

CAMARINES NORTE  ,Philippines – Pinagtulungan saksakin hanggang sa mapatay ang isang sundalo ng 9th Infantry division ng Philippine Army ng tatlong kala­lakihan sa sayawan sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa Renconada Medical Center ang biktimang si Private1st Class Bryan Sarmiento. Samantala, tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Joseph Belitario, Andy Penolio, at si Parcon Rivera na pawang nakatira sa nasabing bayan. May teorya ang pulisya na napagtripan ang biktima ng mga suspek na lango sa alak kaya isinagawa ang pamamaslang.

Show comments