MANILA, Philippines - Dalawa pang bangkay na naagnas ang narekober ng mga residente kamakalawa ng hapon matapos na ipatigil ang search and retrieval operation kaugnay sa magnitude 6.9 lindol sa Negros kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Captain Anacito Naz ng Army’s 302nd Brigade, hindi sumuko sa paghahanap ang mga kamag-anak ng dalawang biktima na kinilalang sina Charita at Reben Lisandra ng Brgy. Solongan, La Libertad, Negros Oriental. Sa kasalukuyan ay tumaas na sa 63,000 pamilya ang apektado ng delubyo ng lindol na patuloy na nakatatangap ng relief goods. Ang magnitude 6.9 lindol ay tumama sa Visayas Region partikular na sa Negros Oriental na pinakagrabeng naapektuhan noong Pebrero 6.