Mag-asawa tiklo sa P1M shabu

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng mag-asawang tulak matapos madakma ng mga awtoridad sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Bahay-Pari sa Meycauayan City, Bulacan kahapon.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Wenda Shang, 42; at Rubelyn “Trixie” Bacalla, 29, taga-Davao City at kapwa nakatira sa Barangay Bahay-Pari, Meycauayan City.

Si Shang na sinasabing miyembro ng drug syndicate ay gumagamit ng mga alyas Robert Zhang, Johnny Co, at Johnny Tui. Nadakma ang mag-asawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ma. Teresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch17 kung saan nasamsam ang tatlong pakete ng shabu, weighing scale, mga plastic pack na may residue ng droga at 2-gunting.

Samantala, kinumpiska naman ng mga tauhan ng PDEA Region 3 ang 24- panabong na manok ng mag-asawa kung saan hindi naman naitala sa imbentaryo base sa mga nakakitang saksi.

Base sa intelligence report, lumilitaw na nakapagpatayo ng tatlong palapag na bahay ang mag-asawa ngunit wala naman idineklarang negosyo.

Show comments