^

Probinsiya

NPA vs Army: 2 NPA, mag-utol dedo

-

CAMARINES NORTE, Philippines - Dalawang rebeldeng New People’s Army at ang mag-utol na batang lalaki ang iniulat na napaslang matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at grupo ng mga rebelde sa liblib na bahagi ng Barangay Malaya sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamaka­lawa ng hapon.

Sa ulat ni Major Angelo Guzman, tagapagsalita ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, lumilitaw na nanganga­lap ng revolutionary tax ang grupo ng mga rebelde nang makasagupa ng tropa ng 49th Infantry Battalion.

Kabilang sa mga napatay na rebelde ay sina Rafael “Ka Gopi” Llanto, vice commander ng regional Guerilla Unit sa Kabikulan Bikol; Benjamin Manzera, 54; at ang mag-utol na Michael, 10; at Richard Manzera, 7, kapwa anak ni Benjamin.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital ang nakatatandang kapatid na si Leoniza Manzera, 14, nagtamo ng tama ng bala sa braso.

Narekober sa encounter site ang dalawang matataas na kalibreng  baril kung saan wala namang napaulat na may nasugatan o nasawi sa panig ng militar.

Ikinalungkot naman at nagpaabot ng pakikiramay si Major General Josue S Gaverza Jr, commander ng 9th Infantry Division sa pamilya ng mag-utol na bata.

 “I have also directed the conduct of an investigation as part of our SOP to determine possible lapses that may have been committed by our troops in the said incident,” dagdag pa ni Gaverza. Francis Elevado at Ed Casulla

BARANGAY MALAYA

BENJAMIN MANZERA

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

GUERILLA UNIT

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KA GOPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with