Pinagbawalang uminom, nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines - Isang 20-anyos na lalaki na sinasabing pinagbawalang makipag-inuman ng alak sa mga kaibigan ang nagdesisyong mag-suicide sa Purok 5, Barangay Borabod sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa. 

Kinilala ni P/Supt. Allan Ramos ang nagbigti na si Reyson Arevalo Layderos, isang trak driver. Base sa ulat, huling namataang buhay ang biktima na nag-iisang umiinom ng alak sa tindahan matapos makipagtalo sa kanyang ka-live-in.

Nabatid na pinagbawalang makipag-inuman ng alak ang biktima sa kanyang mga kaibigan. Hindi na umuwi ang biktima hanggang sa matagpuan na lamang nakabitin sa compound ng bahay.

Show comments