Killer ng DENR official kilala na

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nakilala na at nakasuhan kahapon ang gunman sa pagpatay sa opisyal ng Department of the Environment and Natural Resources sa Sanchez Mira, Cagayan noong Martes (Peb. 7).

Kinilala ni P/Senior Supt. Mao Ranada Aplasca ang suspek na si Adorable Caligan Jr. ng Barangay Pata West sa bayan ng Claveria, Cagayan. Nakilala si Caligan sa CCTV camera na naka-monitor sa tanggapan ng biktimang si Maelania Derain, 46, Forestry Specialist. 

Bagamat hindi pa naaresto kinasuhan na si Caligan sa Department of Justice sa bayan ng Aparri kung saan nagsumite ng affivadit ang kapatid ng biktimang si Antonette Balanay.

Si Derain na sinasabing may isang buwan pa lamang nakatalaga sa kanyang puwesto nang masabat ang malaking shipment ng 20,000 board feet ng illegal na kahoy sa Ilocos Norte.

Show comments