Trak vs bike: 2 bulagta
QUEZON ,Philippines – Dalawa-katao ang kumpirmadong patay at isa ang malubhang nasugatan matapos banggain ang motorsiklo ng trak sa Maharlika Highway sa Barangay Concepcion Palasan sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Alvin Macalindong at Alvin Calingasan habang ginagamot naman sa United Candelaria Doctors Hospital si Joseph Marco. Lumilitaw na patungo sa Candelaria, Quezon ang tatlo nang salpukin ng sumusunod na Isuzu Rf Truck (RHH-753) ni Christopher Briones ng Batangas City. Boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng trak.
- Latest
- Trending