^

Probinsiya

Cavite shootout: 2 todas, 2 sugatan

-

CAVITE ,Philippines  - Napaslang ang may-ari ng farm at isa sa tatlong nakamotorsiklo habang dalawa naman ang nasugatan sa naganap na huramentado sa Centennial Road sa panulukan ng Kalayaan Street at Barangay Batundalig sa bayan ng Kawit, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina Reymundo “Boy” Evangelista, 70, farm owner at nakatira sa Barangay Putol, Kawit, Cavite; at Joel Manisi ng Barangay Caut sa bayan ng Lapaz, Tarlac.

Naisugod naman sa UMC Hospital sa Dasmariñas City, Cavite ang mga sugatang mag-utol na kasamahan ni Manisi na sina Noel at Zaldy Bonifacio ng Lancaster Village, Alapan 2A, Imus, Cavite.

Sa ulat ni P/Senior Supt. John Bulalacao, Cavite PNP director, magkakaangkas sina Manisi at mag-utol na Bonifacio sa motorsiklo (6474 WI) nang ratratin ni Evangelista sa nasabing lugar bandang alas-5:45 ng umaga.

Kaagad na namatay si Manisi habang sugatan naman ang mag-utol kung saan tumakas si Evangelista at nagtago sa kanyang farm sa Barangay Putol.

Rumesponde naman ang pulisya sa farm ni Evangelista para arestuhin ito subalit nakipagbarilan imbes na sumuko kung saan napatay naman.

Sinasabing pinagnaka­wan ang farm ni Evangelista sa Barangay Batundalig kaya ito nagwala gamit ang M16 rifle at cal. 45 pistol kung saan niratrat ang tatlong nakamotorsiklo na napadaan sa nabanggit na lugar.

“Mukhang desperado si Evangelista dahil sa naganap na nakawan sa kanyang farm kaya posibleng napagkamalan ang tatlong nakamotorsiklo na nagmamanman sa kanyang bakuran,” pahayag ni Bulalacao.

BARANGAY BATUNDALIG

BARANGAY CAUT

BARANGAY PUTOL

CAVITE

CENTENNIAL ROAD

EVANGELISTA

JOEL MANISI

JOHN BULALACAO

KALAYAAN STREET

MANISI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with