Stude patay sa hazing

RIZAL ,Philippines  – Isa na namang estudyante sa kolehiyo ang iniulat na nasawi matapos sumailalim sa hazing ng kanyang kasamahang estudyante sa fraternity sa Antipolo City, Rizal noong Linggo ng hapon.

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang Melvin na sinasabing idineklarang patay sa Unciano Medical Center. 

Dalawa sa apat na suspek na estudyante ang kinilalang sina Erick Castillo ng Marikina City at Bodjie Yap ng Sampaloc, Maynila.

Ayon sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Rolando Anduyan, ang dalawa ay sinasabing namataang nagdala sa biktima sa nasabing ospital bandang alas-3:07 ng hapon.

Hindi naman pinayagang makaalis ng ospital ang mga suspek na lulan ng puting kotse (WMF 174) matapos rumes­pon­de ang ilang pulis na rumesponde.

Tumanggi namang mag­­bigay ng pahayag sa pulisya ang dalawang suspek habang hinihintay ang kanilang abogado. 

 Habang pinaghaha­nap naman ang dalawa pang suspek na sina Arjay Gregana at Jufali Abdula na kapwa miyembo ng Lambdha Rho Beta fraternity ng San Beda College. 

Show comments