Municipal councilor, inambush

BATANGAS, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang municipal councilor at kasamahan nito matapos tambangan ng riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay San Francisco sa bayan ng Sto. Tomas kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sugatang ­si­na Councilor Alexander Guevarra, 47; at Edgar Ariola; 43, kapwa nakatira sa Barangay Sta. Clara sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas police director, dadalo sana ang magkaibigang lulan ng Toyota Fortuner (TII653) sa libing ng kaibigan nilang si  Marta Mabilangan nang ratratin sa kahabaan ng highway sa Barangay San Francisco bandang alas-7:40 ng umaga.

Bagama’t sugatan, nagawa pang makapagmaneho ni Guevarra patungong St. Francis Cabrini Hospital kung saan tumakas naman ang gunmen patungong Barangay San Luis.

Narekober sa crime scene ang 9-basyo at  3-slugs ng baril.

Show comments