Kawani ng city hall ginilitan

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang kawani ng city hall makaraang basagin ang bao ng ulo ay ginilitan pa ito ng dalawang karnaper sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Mojon sa Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Bandang alas-10:30 ng gabi nang matagpaung patay si Crisanto Tolentino, 37, ng Menzyland Subdivision sa nasabing barangay. Sa follow-up operation ng pulisya, nasakote naman ang dalawang suspek na sina John Paulo Mercado, 20; at Roden Dela Cruz, 19, kapwa residente sa Brgy. Panasahan, Malolos City.

Ayon kay P/Supt. David Poklay, narekober sa mga suspek ang 26-plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at ang ninakaw na motorsiklo ng biktima (OI 5231) sa bahagi ng Barangay Balayong.

Show comments