BALER, Aurora ,Philippines – Ipagdiriwang ng lalawigang ito bukas (Feb. 19) ang kanilang ika-33 founding anniversary kung saan mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang kanilang magiging panauhin.
Sinabi ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, isa sa spokesman ng prosecution sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona, walang kinalaman sa pulitika ang pagbisita ni Pangulong Aquino sa kanilang lalawigan.
Ayon naman kay Aurora Gov. Bellaflor Angara-Castillo, sinimulan ang pagdiriwang noong Pebrero 9-19.
Wika pa ni Rep. Sonny Angara, ipinagdiriwang namin ang ika-33 taong pagiging independent province mula ng ihiwalay kami sa Quezon province.
Bukas ang highlight ng pagdirwang kasabay ng paggunita sa 124th birth anniversary ni Doña Aurora Aragon-Quezon, ang asawa ng Commonwealth President na si Manuel Luis Quezon. Bukas din gaganapin ang Dayana para kay Dona Aurora, isang liturbical celebration.