^

Probinsiya

Abogado itinumba sa opisina

-

BULACAN, Philippines - Napaslang ang isang 57-anyos na abogado matapos itong pagbabarilin sa loob ng kaniyang opisina ng dalawang hindi kilalang lalaki  sa Barangay Sta. Cruz 1, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga.

Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Atty. Cornelio Cruz ng Sunville Subd. Barangay Culiat, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, nagpanggap na kliyente ang dalawang hindi kilalang lalaki kaya pinapasok naman ng ilang kawani sa loob ng opisina ng biktima sa Cruz Hi-Rise Bldg. sa nasabing barangay.

Gayon pa man, pagpasok sa loob ng opisina ay agad na pinagbabaril ang biktima saka mabilis na nagsitakas kung saan sinamantala ang pagkakagulo ng mga kawani sa opisina.

Hindi na umabot pa ng buhay matapos na isugod sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte ang biktima kung saan bago ang pamamaril ay nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal .45 pistol at tatlong nadepormang bala. Boy Cruz at Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY CULIAT

BARANGAY STA

BOY CRUZ

CORNELIO CRUZ

CRUZ HI-RISE BLDG

JOY CANTOS

MONTE CITY

QUEZON CITY

SAN JOSE

SAN JOSE DEL MONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with