Tsinay trader binoga sa mukha, dedo

RIZAL, Philippines  - Brutal na kamata­yan ang sinapit ng isang ­negosyanteng Tsinay makaraang pagbabarilin sa mukha saka inabandona sa bakanteng lote sa Monte Carlo Street, El Monte Verde Subd. sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal kamakalawa.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Senior Supt. Rolando  Andu­yan  ang biktima na si Catherine  Lee ng Las Piñas City.

Sa police report, nabatid na dakong alas-7:15 ng umaga kamakalawa  nang madiskubre ng isang basurerang si Hermie Prenia ang bangkay ng biktima na nakahalo sa mga sako ng basura.

Narekober naman sa katawan ng biktima ang cellphone (Nokia C-3), gintong singsing at pilak na bracelet kaya posibleng hindi holdap ang motibo sa krimen.

 Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo at pagiging broker ng biktima ang pamamaslang.

Show comments