4 kawatan ng bike, tiklo

BULACAN, Philippines - Apat na kalalakihan na sinasabing notor­yus na kawatan ng motorsiklo ang naaresto ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Lawa sa Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal namang kakasuhan ang mga suspek na sina Efren Mondeñedo Jr., lider ng grupo; Jonathan Talusig, kapwa residente sa Brgy. Zamora; John Anthony Ocampo at si Ronald Allan Japsay, kapwa nakatira sa Brgy. Bayugo.

Base sa ulat ni P/Supt. Hector Samar na isinumite kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., naaktuhan ang mga suspek na kinakalas ang sinikwat na motorsiklo sa loob ng bahay sa Meywood Village.Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay dulot ng impormasyong ipinaabot ng ilang residente sa himpilan ng pulisya kaya nadiskubre ang krimen. Sa beripikasyon ng pulisya, lumilitaw na pag-aari ni Ronnie Calderon ng Barangay Tinajero, Pulilan ang ninakaw na motorsiklo (3357-RJ) sa Barangay Zamora sa nasabing lungsod noong Sabado (Pebrero 11).

Show comments