MANILA, Philippines - Dalawang sibilyan ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Manila East Road sa bayan ng Famy, Laguna kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang dalawa na sina Timoteo Maala ng Barangay Tungkod at Bartolome Gatdula Jr., 46, ng Barangay 3 sa bayan ng Sta. Maria, Laguna.
Lumilitaw na nagbibisekleta ang mga biktima nang harangin at ratratin sa bahagi ng Barangay Batuhan bandang alas-6:30 ng gabi habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.