Naghamon ng away kinatay

QUEZON, Philippines - Pingas ang mukha at halos humiwalay na ang ulo sa katawan ng magsasakang naghamon ng suntukan matapos na pagtatagain ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng umaga sa Sitio Buendia, barangay Bignay 1 ng bayan ng Sariaya, Quezon. Patay agad sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Nestor Torres, 48, may-asawa, habang tugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Juanito Buela, 44, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa imbestigasyon nina SPO1 Noriel Banaag at PO2 Daniel Hernandez, dakong alas-11;15 ng umaga ay tinungo ng biktima ang bahay ng suspek kung saan naghamon ng away. Kaagad namang lumabas sa bahay ang suspek na armado ng matalim na itak saka pinagtataga hanggang mamatay ang biktima.

Show comments