^

Probinsiya

2 bayan sa negros nasa state of calamity

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Jimalalud at La Libertad matapos salantain ng magnitude 6.9 na lindol na nagdulot ng delubyo ng landslide sa Negros Oriental noong Pebrero 6.

Dahil sa patuloy na pag-u­lan na nararanasan sa Negros Oriental ay pansamantalang itinigil ang search and retrieval operations sa mga nawawala pang biktima na natabunan ng gumuhong bundok.

Sa ulat ni NDRRMC Exe­cutive Director Benito Ramos, kabilang sa mga barangay na sinuspinde ang search and retrieval ay ang Brgy. Planas sa Guihulngan City kung saan aabot sa 29-katao ang hindi pa nakukuha ang mga katawan habang sa Brgy. Solongon, La Libertad ay nasa 42 pa ang pinaghahanap.

Sinasabing aabot sa 100 katao ang nalibing nang buhay sa landslide pero sa talaan ng NDRRMC ay nasa 30 pa lamang ang patay matapos na apat pang bangkay ang makuha kahapon, 52 ang su­gatan at 71 pa ang nawawala.

Bukod dito, may 21 estu­dyante ayon sa mga lokal na opisyal ang kabilang sa mga nawawala sa Barangay Planas, Guihulngan City.

Inihayag naman ni Captain Anacito Naz, civil military ope­rations officer ng Army’s 302nd Infantry Brigade na lubhang delikado rin sa mgasundalo ang magsagawa ng search and retrieval dahil sa malakas na pag-ulan habang patuloy pa ring nararanasan ang mga aftershock.

BARANGAY PLANAS

BRGY

BUKOD

CAPTAIN ANACITO NAZ

DIRECTOR BENITO RAMOS

GUIHULNGAN CITY

INFANTRY BRIGADE

LA LIBERTAD

NEGROS ORIENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with