Magka-live-in dedo sa van

BATAAN, Philippines – Masaklap na kamatayan ang sinapit ng magka-live-in makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakaparadang container van sa gilid ng Roman Superhighway sa Barangay Capitangan sa bayan ng Abucay, Bataan kamakalawa ng gabi. Idineklarang pataya sa Bataan General Hospital ang mga biktimang sina Jonathan Natte, 23, ng Sityo Bo. Campo Barangay Tenejero; at April Joyce Robles, 19, ng Doña Francisca Subd. Balanga City, Bataan. Nabatid na patungong San Fernando City, Pampanga ang dalawa mula sa Balanga City, Bataan nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakaparadang van sa gilid ng highway. Nakatakas naman ang driver ng van na si Cezar Rio Florido ng #135 Dr. Reyes Subd. Lucena City, Quezon habang nasakote naman ang pahinante.

Show comments