^

Probinsiya

Waiter utas sa tinyente ng PNP

-

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang mabubulok sa kulungan ang isang tin­yente ng pulisya na sinasabing tumangging bayaran ang bill sa restaurant kaya binaril at napatay nito ang isang 30-anyos na waiter sa Baguio City noong Sabado ng gabi.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Bander Faisal Dacpano Davoc, stay-in waiter sa Martin‘s Bread Restaurant sa Bokawkan Road, Baguio City.

Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si P/Insp. Gerome Sherwin Bangibang Gonsadan, 32, nakatira sa Camp 6, Tuba, Benguet, dating naka- assign sa Special Action Force at na re-assigned sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Camp Crame dahil sa nagsasanay ng Officer’s Basic Course sa Philippine Public Safety College sa Camp Castañeda, Silang, Cavite.

Nabatid na naghapunan ang suspek sa nasabing restaurant kasama ang tatlong kaibigan pero hindi nagbayad matapos singilin ni Davoc.

Napilitan ang waiter na dumulog sa presinto 2 ng Baguio City PNP at inireklamo ang suspek na itinuro ng mga bystander. Mabilis na sumakay sa taxi cab ang tatlong kasama ng tinyente kung saan nagpaiwan ang suspek. Dito na lumapit ang suspek at binaril sa ulo ang biktimang nagreklamo sa pulisya. Nasakote naman ang suspek sa intersection ng Aguila Street at Bokawkan Road. Joy Cantos at Artemio Dumlao

vuukle comment

AGUILA STREET

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO CITY

BANDER FAISAL DACPANO DAVOC

BASIC COURSE

BOKAWKAN ROAD

BREAD RESTAURANT

CAMP CASTA

CAMP CRAME

GEROME SHERWIN BANGIBANG GONSADAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with