CAVITE ,Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt Gregorio Evangelista, lumilitaw nan naglalaro sa tabi ng kalsada ang biktimang si Joshua Decelio, 4, nang nahagip ng pampasaherong jeepney (DVP 409) ni Johnel Aledia na sinasabing lango sa alak sa bisinidad ng Barangay Biclatan sa bayan ng General Trias, Cavite. Samantala, si Oliver Pasacay, 19, ng Sitio Pulo ay nahagip naman ng traysikel ni Cesar Cueto matapos mag-counter flow ang motorsiklo ng una sa kalsada ng Barangay Anabu 2 sa bayan ng Imus, Cavite. Nadakip naman si Cueto ng Barangay Malagasang 1-C sa bayang nabanggit.