MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang armadong New People’s Army matapos makasagupa ang tropa ng militar sa Sitio Sibbagan, Barangay Landingan sa bayan ng Nagtipunan, Quirino kahapon ng umaga.
Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang rebelde na narekober ang bangkay sa encounter site.
Bandang alas-9 ng umaga nang makasagupa ng Army’s 48th Infantry Battalion ni Lt. Col. Kurt Decapia ang grupo ng rebelde na sinasabing bahagi ng mga nagsitakas mula sa Nueva Ecija at Aurora na idineklarang insurgency free ng AFP.
Bago sumiklab ang bakbakan ay nadiskubre ng mga tauhan ni Col. Felicito Virgilio Trinidad ng Army’s 702nd Infantry Brigade ang kampo ng mga rebelde na inabandona sa mga nasabing. Narekober sa encounter site ang M16 rifle na may M 203 grenade launcher, M16 rifle, M14 rifle at M79 grenade launcher at ilang subersibong dokumento.