BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tatlong bandido na humiwalay na sa grupo ng mga rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napatay matapos makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Sitio Ud-udiao sa bayan ng Sallapadan, Abra noong Biyernes ng tanghali. Ayon kay Col. Miguel Puyao, tagapagsalita ng 5th Infantry Division sa Camp Upi sa bayan ng Gamu Isabela, ang tatlo ay dating mga New People’s Army (NPA) na tumiwalag sa kilusan subalit nananatiling armado bilang mga bandido. “We call these people members of a lawless armed group because they have lost their ideology and are now only engaging in criminal activity,” pahayag ni Puyao. Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan laban sa tropa ang 53rd Reconnaisance Company ng Phil. Army bago napatay ang tatlo habang nagsitakas naman ang iba pang bandido. Victor Martin at Raymund Catindig