Top NPA lider, 1 pa arestado
QUEZON, Philippines — Dalawang rebeldeng New People’s Army kabilang na ang top ranking official na nakabase sa Quezon ang nadakma ng militar sa bahagi ng bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Miguela Pinero, 45, gumagamit ng alyas Migs, Migan Wares at Alexia Lala, kumander ng Guerilla Unit Squad-Bondoc Peninsula at Joey Ortiz y Quidor na may alyas Ka Greg.
Sa record ng militar, si Pinero ay miyembro ng executive committee ng Southern Tagalog Regional Party Committee sa Brgy. Calantipayan.
Nasamsam sa dalawa ang 1 cal. 45 pistol, granada, 8 cell phones, 2-smart broadband, 1-globe tattoo, 2 1GB flash disk, 1 8GB Flash disk, 5 micro SD memory card, 51 smart sim, 15 TNT sim card, 4 globe sim card, 5 TM sim card, & 1 tatoo sim card.
Ang dalawa ay inaresto sa pangunguna nina Col. Eduardo Añon ng 201st Brigade ng Phil. Army at P/Senior Supt. Ericson Velasquez sa bisa ng apat na warrant of arrest na inisyu ng Gumaca Regional Trial Court Branch 65, 62 at Candelaria Municipal Trial Court kaugnay sa mga kasong pagpaslang, pagnanakaw, pananabotahe at illegal possession of firearms and explosive devices.
Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang dalawa sa kampo ng 85th Infantry Batallion, 2nd Infantry Division sa Barangay San Isidro bago dalhin sa himpilan ng pulisya para sampahan ng kaukulang kaso. Michelle Zoleta at Tony Sandoval
- Latest
- Trending