Trike vs trike: 6 sugatan

QUEZON, Philippines  – Anim-katao kabilang ang 4 na bata ang iniulat na nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang traysikel sa provincial road na sakop ng Barangay Olongtao Ibaba sa bayan ng Macalelon sa Quezon kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng mga minor injuries ang mga biktimang sina Alodia Grace Pade­rango, 14; Christie Grace Hutalla, 13; magkapatid na Marklyn Basco, 6; Glen Kerby Basco, 4; Dennis Fontanilla, 20, drayber ng trike; at ang daycare worker na si Merly Italble na pawang nakatira sa Barangay San Vicente. Sa ulat ni PO2 Marcelino Bautista, dakong alas-5:45 ng hapon nang magsalpukan ang dalawang traysikel nina Fontanilla at Rommel Paular. Nabatid na pauwi na ang mga pasahero ni Fontanilla mula sa eskuwelahan nang makasalpukan ang traysikel ni Rommel Paular, 22, ng Barangay Olongtao.

Show comments