Zambales polls dinilig ng dugo
ZAMBALES, Philippines – Dinilig ng dugo ang bisperas ng special elections sa Zambales para sa nabakanteng posisyon ng kongresista sa 2nd distrito makaraang makipagbarilan at mapatay ng mga operatiba ng pulisya ang retiradong pulis habang sampung kasamahan ang nasakote sa bisinidad ng Barangay Santiago sa bayan ng Botolan, Zambales noong Biyernes ng gabi.
Batay sa ulat ni P/Senior Insp. Michael Chavez, kinilala ang napatay na si ex-PO2 Cesar Madoh, 45, ng Barangay Taugtog at sinasabing may warrant of arrest sa kasong malversation of public property kung saan miyembro ng Karansang Group na sangkot sa robbery, holdup at drug trafficking.
Lumilitaw na rumesponde ang pangkat ni P/Chief Insp. Preston Bagangan sa nasabing barangay matapos na makatanggap ng report kaugnay sa pangha-harass ng mga armadong kalalakihan sa mga botante.
Namataan naman ng pulisya ang Toyota Altis at Mitsubishi Adventure (ZLW-110) na sinasakyan ng mga armadong lalaki na nagha-harass sa mga botante.
Dito na sana sisitahin ng pulisya subalit umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa dalawang sasakyan kung saan nauwi sa shootout.
Sa kasagsagan ng putukan ay napatay si Madoh habang sinasabing tinatayang nasa sampu pa nitong mga kasamahan ang nasugatan.
Samantala, isa naman sa mga operatiba ng pulisya ang muntik ng tamaan ng bal ng baril sa ulo na humaging ang bala sa kaniyang buhok.
Nag-special election and 2nd distrito ng Zambales matapos ang pagpanaw noong 2011 ni dating 2nd District Rep. Antonio Diaz.
- Latest
- Trending