^

Probinsiya

Dalaga pinilahan sa kampo ng militar

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Nabasag ang pagkababae ng isang 21-anyos na dalaga makaraang pilahan ng pito-katao kabilang na ang anim na sundalo ng Phil. Army sa loob ng military camp ng Bravo Coy, 9th Infantry Battalion sa ilalim ng 9th Infantry Division na nakabase sa Barangay Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.

Luhaang dumulog sa himpilan ng Womens and Child Protection Desk ang biktimang itinago sa panga­lang Lanie ng Barangay Usap sa Masbate City.

Samantala, isa sa pitong suspek ay kinilalang si Gilbert “Jeric” Quinto na kasalukuyang tinutugis ng mga operatiba ng pulisya.

Base sa police report, lumilitaw naunang hinalay ni Quinto ang biktima matapos imbitahan sa loob ng kampo ng military bandang alas-7 ng gabi.

Kasunod nito, habang nagkakatuwaan ang mga suspek ay magkakasunod na pinilahan ang biktima kung san pinanonood naman ng mga nakaantabay na sundalo.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang biktima sa sinapit na kapalaran kung saan nagtuloy ito sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang mga suspek.

vuukle comment

AROROY

BARANGAY PURO

BARANGAY USAP

BRAVO COY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JERIC

LEGAZPI CITY

MASBATE CITY

WOMENS AND CHILD PROTECTION DESK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with