Dominguez carjacking gang bumanat

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan ,Philippines – Doble kamalasan ang inabot ng tatlong miyembro ng isang pamilya matapos na maholdap ng halagang aabot sa P.2M ay tangayin pa ang sasakyan ng mga hinihinalang miyembro ng Dominguez carjacking gang sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga naging biktima na sina Jose Hortillosa, 63, retiradong empleyado ng PLDT, asawa nitong si Perla Hortillosa at anak na si Sheryl Bisnar mga residente ng Saint Francis Subdivision, Brgy. Pandayan sa siyudad na ito habang nakilala naman ang dalawa sa mga suspek sa pamamagitan ng rouge gallery ng Highway Patrol Group na sina Rolando Talban at Rolando San Diego, pawang mga miyembro umano ng naturang grupo.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Phillip Santos dakong alas- 9:30 ng umaga habang hinihintay ng dalawang babaeng biktima ang kanilang padre de pamilya upang sumakay sa pag-aaring Izusu Altera ( ZTW-371 ) na nakaparada sa harapang bahagi ng kanilang bahay ay biglang lumapit ang isang Hyundai Starex Van na walang plaka saka bumaba ang dalawang lalaki na pawang armado ng di pa mabatid na kalibre ng baril at agad na tinutukan ang mga ito saka iginapos ang kanilang mga kamay at piniringan pa ang mga mata.

Nagawang matangay ng mga suspek ang pera, alahas at cell phone ng mga biktima saka iba pang kagamitan na aabot sa P.2M halaga. Patuloy ang pagtugis sa mga suspek.

Show comments