3 pinabulagta sa demolition site

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa misis ng isang abogado at dalawa nitong tauhan matapos na ratratin ng riding-in-tandem sa demolition site sa Sitio Rabaya, Barangay Cansojong, Talisay City sa Cebu kamakalawa ng hapon.

Kabilang sa mga napaslang ay sina Virginia Sesbreño, 65; Joshua Young, 30, driver; at si Soledad Epanto, 51, katiwala ng pamilya Sesbreño. 

Nabatid na nagtungo sa nasabing lugar ang misis ni Sesbreño kasama ang driver at caretaker nito para inspeksyunin ang demolition site.

Gayon pa man, habang sakay ng SUV ang tatlo patungo naman sa Cebu City ay sumulpot ang riding-in-tandem kung saan sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang tatlo

Sa pahayag ng isa sa mga kamag-anak ng pamilya Sesbreño, bago ang pamamaril ay nakatanggap ng death threat sina Atty. Sesbreño matapos namang ipag-utos ng korte  ang demolisyon laban sa illegal settler sa lupaing pinag-aagawan ng mga ito at ng isang negosyante sa Barangay Lawaan 1, 2 at 3 ng lungsod.

Pinaniniwalaang naman target ng gunmen Si Atty. Raul Sesbreño subalit ang misis nito ang napatay.

Show comments