^

Probinsiya

Gunman ng brodkaster kinasuhan na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinampahan na kahapon ng kasong murder ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang akusado sa pagpatay sa isang brodkaster ng pahayagang Tabloid sa General Santos City noong nakalipas na buwan.

Ayon kay PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., isinampa na ang asunto sa sala ni General Santos City Prosecutor II Rebecca Dardo-Seredrica laban sa suspek na si Marvin Palabrica.

Si Palabrica na kasalukuyang nakakulong ay pangunahing suspek na itinuturong nakapatay kay Christopher Guarin, publisher ng Tatak Bigtime News, at ng RMN na nasa General Santos City.

Sa police report, lumilitaw na si Guarin ay pinagbabaril sa harapan ng misis nitong si Lyn at batang anak na babae sa nasabing lungsod noong Enero 5, 2012.

Sa kasalukuyan ay tinutumbok ng imbestigayon ng mga tauhan ni P/Senior Supt. Albert Ignatius Ferro ang tunay na motibo sa pamamaslang.

ALBERT IGNATIUS FERRO

CHIEF P

CHRISTOPHER GUARIN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO JR.

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY PROSECUTOR

MARVIN PALABRICA

REBECCA DARDO-SEREDRICA

SENIOR SUPT

SI PALABRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with