Drayber tinusok ng tari, dedo
BULACAN, Philippines - Isang 41-anyos na drayber ng pampasaherong bus ang iniulat na nasawi matapos saksakin ng tari ng manok ng kanyang kundoktor sa terminal ng BoyJen Transport sa Barangay Banga sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Nagtamo ng malalim na sugat sa balikat ang biktimang si Ernesto Ramos Jr. ng Brgy. Sta. Ana sa bayan ng Bulakan habang naaresto naman ang suspek na si Jaime Galon, 49, ng Brgy. Bagong Silang, Caloocan City. Sa ulat na nakarating kay P/Insp. June Tabigo-on, naganap ang krimen matapos magkita ang dalawa sa nasabing terminal dakong alas-12:45 ng hapon kung saan sinasabing may kinikimkim na Tgalit ang suspek sa biktima.
- Latest
- Trending