^

Probinsiya

3 babae tiklo sa P6.9-M marijuana

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P 6.9 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group matapos masakote ang tatlong miyembro ng Cordillera trafficking syndicate sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Dau sa bayan ng Mabalacat, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr. ang mga suspek na sina Catherine Lamog, 44, ng Bontoc, Mt. Province; Julie Baggas, 37, ng Mainit, Bontoc; at Yolanda Adaol, 42, ng Tinglayan, Kalinga; pawang miyembro ng Kamot Group na responsable sa pagbebenta ng marijuana mula sa Mountain Province.

Nasamsam sa mga suspek ang 69 bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng P 6.9 milyon at 15 piraso ng hashish brown flakes na may market value na P362,500.

Inihayag ng opisyal na ang tatlo ay sangkot sa trafficking ng marijuana sa Central Luzon, Southern Tagalog at Metro Manila.

BARANGAY DAU

BONTOC

CATHERINE LAMOG

CENTRAL LUZON

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO JR.

JULIE BAGGAS

KAMOT GROUP

METRO MANILA

MOUNTAIN PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with