Amok sa lamayan: 4-katao bulagta
MANILA, Philippines - Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang apat na sibilyan habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang mamaril ang retiradong sundalo ng Phil. Army sa pinaglalamayang patay sa Barangay Gen. Malvar sa bayan ng Pontevedra, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.
Kabilang sa mga napatay ay sina Reynaldo Amable, 59; Dominador Ginton, 55; Rudy Ginton, 57; at si Rey John Palacios, 41 habang nakikipagbuno naman kay kamatayan si Generoso Ginton, 39.
Samantala, kinabukasan matapos mamaril ay sumuko naman ang suspek na si Nestor Estrellanes, 52, na sinasabing nagka-war shock kung saan sinamahan naman ng barangay chairman sa himpilan ng pulisya.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Lino Genosa ng Pontevedra PNP, naganap ang insidente bandang alas-11 ng gabi sa lamayan sa bahay ni Dominador may dalawang araw na ang nakalilipas.
Nabatid na masayang nag-iinuman ang mga biktima sa pangsiyam na araw sa burol nang magkainitan sa pagtatalo dahil sa kalasingan.
Dito na nag-amok ang suspek kung saan walang habas na namaril saka tumakas.
- Latest
- Trending