P1-M limas sa remittance center

LUCENA CITY, Quezon, Philippines - Tinatayang aabot sa P.1 milyong cash ang nalimas ng tatlong holdaper matapos pasukin ang sangay ng LBC sa Barangay Poblacion sa bayan ng Catanauan, Quezon kamakalawa ng umaga. Sa salaysay sa pulisya ni Maan Catan, customer assis­tant ng LBC-Catanauan, lumilitaw na dakong alas-8-30 ng umaga ay pumasok sa establisyemento ang tatlong lalaki at nagpanggap na customer. Kaagad na tinutukan ng baril ang nag-iisang kawani ng LBC kung saan ang dalawang holdaper naman ay winasak ang CCTV camera. Itinali pa ng packaging tape ang biktima saka hinalughog ang safety vault kung saan nilimas ang collection money na nagkakahalaga ng P158,000 saka tumakas sakay ng motorsiklo.

Show comments