Binoga dahil sa utang

CAVITE, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 54-anyos na mister makaraang pagbabarilin ng kanyang bunsong kapatid na lalaki dahil sa sinasabing hindi makabayad ng utang kamakalawa ng hapon sa Barangay Maitim 1 sa bayan ng Amadeo, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Gatche ng Barangay Dagatan sa nabanggit na bayan.Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jesus Gatche, 41, binata, nakatira sa nasabi ring ba­rangay. Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Oliver Salazar, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang utol kaugnay sa utang na hindi nito nababayaran. Dito na nagsigawan ang mag-utol hanggang sa humantong sa pamamaril ng suspek sa kanyang kapatid.

Show comments