3 tirador ng Internet shop, tiklo

CAVITE, Philippines  – Tatlong dayuhang lalaki na sinasabing notoryus na tirador ng mga Internet shop ang nasakote ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Malagasang sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Renato “Mel” Diaz, 44, ng #333 Jamias Street Barangay Zone 29, Paco, Manila; Ronaldo “Bal” Tolentino, 39, ng Block 13 Lot 6 Brgy. Zone 6, Sta. Mesa, Manila at Bernardo Bernadas, 41, ng #19 Timalayan Road, Tandang Sora, Quezon City. Sa police report na nakarating kay Cavite PNP director P/Senior Supt. John Bulalacao, nilooban ng mga suspek ang J.A.L. Computer Shop kung saan nilimas ang mga yunit na computer. Nasabat naman ang mga suspek na lulan ng Mitsubishi Lancer na may plakang UJJ-794 matapos maispatan sa kahabaan ng CAVITEX sa Barangay Lo­ngos sa bayan ng Bacoor.

Show comments