^

Probinsiya

2 patay, 8 sugatan sa road mishap

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE ,Philippines – Nauwi sa trahedya ang dapat sana’y masayang night out ng magka-kaibigan matapos na maaksidente ang sinasakyan ng mga ito na ikinasawi ng dalawa habang walo pa ang nasugatan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Patutong Malaki South, Tagaytay City, Cavite.

 Dead-on-the-spot ang biktimang si Kevin Cruz, 18 taong gulang, estudyante, residente ng bayan ng Indang habang sa ospital na binawian ng buhay si Rizza Arango, 20, ng Trece Martirez City.

Sugatan naman sina Jomar Gatdula, 22 ng Brgy. Kaytambog; Joho Sideño, 45 ng Brgy. Pob. 4; Jervy Creus, 24 ng Brgy. Tambong Malaki; Sherwin Perlado, 21 ng Brgy. Monarga; Abigail Rosadas, 19; Diane Bundalo Aure, 23 ng Brgy. Buna Cerca; Angelica Candolo, 20 ng Brgy. Sampaguita at Raffy Cardona, 23, driver ng Brgy. Pob. 1.

 Batay sa ulat na nakalap mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Sr. Supt John Bulalacao, papauwi na ang magkakabarkada dakong 11:30 ng gabi galing sa inuman sa Hellenic Bar sa Magallanes Square ng nasa­bing lugar nang maganap ang insidente.

 Minamaneho ni Cardona ang Mitsubishi Pajero na kulay gold at may plakang PJN-131 papauwi sakay ang mga biktima nang bigla na lamang nakabig sa kanang bahagi ng kalsada ang manibela at tuloy tuloy itong bumangga sa isang bakal na bakod na pag-aari ni Henry Sia na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima. Isinasailalim pa sa masu­sing imbestigasyon ang kaso.

vuukle comment

ABIGAIL ROSADAS

ANGELICA CANDOLO

BRGY

BUNA CERCA

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT JOHN BULALACAO

DIANE BUNDALO AURE

HELLENIC BAR

HENRY SIA

JERVY CREUS

JOHO SIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with