^

Probinsiya

2 holdaper bulagta

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang ang napaslang matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa  kahabaan ng national highway ng Brgy. Halang, Bi ñan, Laguna nitong Biyernes ng madaling araw.

 Gayunman, ayon kay PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Chief Supt. Leonardo Espina, nakasagupa ng HPG Region IVA ang grupo ng mga holdaper bandang alas-2:05 ng madaling araw sa nasabing lugar.

 Ayon kay Espina kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Sita/Anti-carnapping operations ang kaniyang mga tauhan lulan ng Mobile 403 at Biñan Police nang tumangging sumailalim sa inspeksyon ang mga suspek na sakay ng isang Yamaha motorcycle na walang plaka.

 Dahil dito ay hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek at pagsapit sa Brgy. San Francisco  ay nagpaputok ang mga ito sa mga operatiba na umabot hanggang sa highway ng Brgy. Halang ng lungsod ang palitan ng putok.

 Ilang saglit pa ay kapwa bumulagta ang dalawang suspek na agad nasawi sa insidente habang wala namang nasugatan sa panig ng mga awtoridad.

 Nakuha mula sa bangkay ng mga suspek ang dalawang cal. 38 revolver na gamit ng mga ito sa kanilang illegal na aktibidades.

vuukle comment

BRGY

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

HALANG

HIGHWAY PATROL GROUP

LEONARDO ESPINA

OPLAN SITA

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with