^

Probinsiya

Shootout: 4 utas

- Ni Boy Cruz -

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines – Apat na hinihinalang mga carnappers ang nasawi makaraang makipagbarilan sa pinagsanib na puwersa ng lokal na pulisya at Highway Patrol Group-National Capital Region sa barangay Iba ng lungsod na ito.

Ayon kay Supt. Hector Samar, dakong ala-1:45 ng madaling araw ay namataan ng isang residente sa madilim na bahagi ng Barangay Perez ng lungsod na ito ang isang Isuzu D-Max na pinapalitan ng plaka ang sasakyan at kahina-hinala ang kilos ng apat na sakay nito bagay na agad na iniulat sa pulisya ang pangyayari at agad ding nirespondehan nina P/SInsp. Randy Korret ang tinurong lugar.

Napag-alaman na ang nasabing sasakyan ay naka-alarma at kinarnap sa Quezon City.

Habang papunta din sa lugar ay nakasalubong ng dalawang grupo ng pulisya ang target na sasakyan sa madilim na bahagi ng Muralla Road, sa Brgy. Iba na naging dahilan upang pigilan ito subalit sa halip na tumigil ay pinaputukan ang patrol car ng pulisya ng tatlong beses lulan sina Insp. June Tabigo-on at Insp. Leopoldo Estorque saka gumanti ang mga pulisya na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Narekober sa sasak­yan ang isang Uzi Machine Pistol, tatlong .45 kalibre ng baril,mga magasine at bala nito, isang pares na plakang NOA-153 na nakakabit sa sasakyan at isa pang pares na plakang NHI-625 na nakita sa loob ng sasakyan at kinumpirma ng pulisya na ito ang orihinal na plaka ng sasakyan habang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.

BARANGAY PEREZ

HECTOR SAMAR

HIGHWAY PATROL GROUP-NATIONAL CAPITAL REGION

ISUZU D-MAX

JUNE TABIGO

LEOPOLDO ESTORQUE

MURALLA ROAD

PULISYA

QUEZON CITY

RANDY KORRET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with