^

Probinsiya

Brgy. Chairman, 2 pa patay sa ambush

- Ni Joy Cantos at Ed Casulla -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang isang Brgy. Chairman ang nasawi makaraang tambangan ng limang mga armadong kalalakihan na hinihinalang Private Armed Groups (PAGs) ng lokal na pulitiko sa naganap na insidente kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Isidro, Uson, Masbate.

Kinilala ni Army Spokesman Major Harold Cabunoc ang mga nasawi na sina  Eddie Crisostomo, Brgy. Captain sa Brgy. San Isidro; Noel Rosal, Brgy. Treasurer at isang Jolex Rivera; pawang dead on the spot sa insidente.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang mga biktima ay magkakaangkas sa motorsiklo na bumabagtas sa  highway ng nasabing lugar.

Sinabi ng opisyal na pagsapit sa lugar ay bigla na lamang ang mga itong niratrat ng limang mga armadong kalalakihan na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas na naging dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos na matiyak na napuruhan ang kanilang mga target.

Sa pahayag naman ni Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Angelo Guzman, sinabi nito na ang mga suspek base sa kanilang nakalap na impormasyon ay mga PAGs ng isang lokal na pulitiko sa Brgy. Mabuhay ng bayang ito.

Kaugnay nito, inalerto na ng 9th ID ang tropa ni Lt. Col Julian Pacatan, Commander ng Army’s 9th Infantry Battalion (IB) upang arestuhin ang mga nagsitakas na salarin bilang suporta sa law enforcement operations ng pulisya. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

vuukle comment

ARMY SPOKESMAN MAJOR HAROLD CABUNOC

BRGY

COL JULIAN PACATAN

EDDIE CRISOSTOMO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOLEX RIVERA

NOEL ROSAL

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with