Bus bangga sa trak: 12 sugatan

CAMARINES NORTE  ,Philippines — Labindalawa katao ang malubhang nasugatan makaraang bumangga ang isang pampasaherong bus sa nakaparadang trak sa gilid ng kalsada sa Brgy San Gabriel, Pamplona, Camarines Sur, kahapon ng madaling-araw.

Mabilis na naisugod sa Bicol Medical Center ang mga sugatan na kasalukuyang inaalam pa ng Pamplona PNP ang mga pangalan.

Nabatid na alas-4:15 ng madaling-araw, habang minamaneho ni Noel Quisenio ang Philtranco Bus galing Metro Manila patungo sa lungsod ng Naga sa hindi malamang kadahilanan, malakas na sumalpok ito sa nakaparadang trak. Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng inaantok   ang drayber. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang PNP kung may pananagutan ang may-ari ng trak dahil sa ang kawalan ng warning devices sa mga motorista.

Show comments