^

Probinsiya

11 tiklo sa pamemeke ng lagda ng gobernador

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 11-katao na sinasabing namemeke ng lagda ng gobernador matapos madakma ng mga opera­tiba ng pulisya sa Isabela, ayon sa ulat kahapon.

Sumasailalim na ­sa ­tac­ti­cal interrogation ang mga suspek na sina Bobby Turmis, lider ng grupo; Francisco Basilio, Fidel Barnacha, Julius Arconeda, Carlos Lopez, Peter Manuel, Erwin Mangada, Jonathan Taguiam, Angelito Dapon, Febie Inamhan, at si Janet Barnacha.

Ayon kay P/Chief Supt. Rodrigo de Gracia, Cagayan Valley police regional director, nabuking ang modus operandi ng grupo matapos madiskubre ang solicitation letter na may pekeng lagda ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III na nakumpiska sa suspek na si Manuel.

Napag-alaman na ang mga suspek ay miyembro ng Pag-asa ng Buhay Association, Inc. na naglilibot sa buong Isabela upang makapagbiktima sa pama­magitan ng solicitation letter na may pekeng lagda ni Governor Dy.

Nakatakda naman kasuhan ang mga suspek habang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

ANGELITO DAPON

BOBBY TURMIS

BUHAY ASSOCIATION

CAGAYAN VALLEY

CARLOS LOPEZ

CHIEF SUPT

ERWIN MANGADA

FEBIE INAMHAN

FIDEL BARNACHA

FRANCISCO BASILIO

GOVERNOR DY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with