^

Probinsiya

Mag-amang trader todas sa holdaper

- Ni Christian Ryan Sta Ana -

NUEVA ECIJA, Philippines  – Pinagbabaril at napatay ang mag-amang negosyante sa panibagong insidente ng holdapan sa Barangay San Pascual sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa PJG Annex Hospital subalit idineklarang patay ang mag-amang Eduardo Molina, 64; at Alexander Molina, 22, may-asawa, kapwa nakatira sa Barangay San Isidro, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Base sa police report, magkasamang naghahapunan sa Leony’s Restaurant ang mag-asawang Eduardo, Amalia at ang anak na si Alexander kasama rin ang dalawa nilang helper nang lapitan ng dalawang di-kilalang lalaki.

Kasunod nito ay hina­blot ng isa sa holdaper ang bag ni Amalia na naglalaman ng P380,000 at tseke (P113,000),kung saan magkasunod na tumakas palayo ng nasabing lugar.

Subalit hinabol ng mag-ama ang papatakas na mga holdaper palabas ng restaurant subalit umali­ngawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang butmulagta ang mga biktima.

Matapos mapatay ang mag-ama ay nagmamada­ling sumakay sa naghihintay na van ang dalawang holdaper kung saan sinasabing tumakas patungo sa di­reksiyon ng San Jose City.

ALEXANDER MOLINA

AMALIA

ANNEX HOSPITAL

BARANGAY SAN ISIDRO

BARANGAY SAN PASCUAL

CABANATUAN CITY

ECIJA

EDUARDO MOLINA

NUEVA ECIJA

SAN JOSE CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with