Engineer itinumba

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang 37-anyos na inhinyero matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Zamboanga City noong Biyernes ng hapon. Idineklarang patay sa ospital si Richard David matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa pulisya, bandang alas-4 ng hapon, papauwi na ang biktimang lulan ng kotse nang pagbabarilin ng riding-in-tandem. Isa sa sinisilip na anggulo ay personal na alitan ang motibo sa pamamaslang.

Show comments