^

Probinsiya

Misis ninakawan na, pinugutan pa

- Ni Raymond Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines -  Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na misis makaraang pagnakawan at pinugutan pa ng tatlong di-kilalang kalalakihan sa Barangay Sta. Maria sa bayan ng Gonzaga, Cagayan, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa naantalang ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Mao Aplasca, provincial police director, kinilala ang biktima na si Dolores Anson.

Lumilitaw na pinasok ng mga kawatan ang bahay ng pamilya Anson kung saan iginapos ang babae at mister nitong si Hipolito, 45 at ang 8-anyos na anak na lalaki.

Habang nililimas ng mga kawatan ang mga gamit ay nakahulagpos sa pagkakagapos ang mag-ama at naiwan ang misis na nakagapos.

Dito na humingi ng saklolo ang mag-ama sa ilang barangay opisyal subalit na­datnan nila ang biktima na duguang nakabulagta kung saan tinagpas pa ang ulo nito.

Pinaniniwalaang nagalit ang mga kawatan sa pagtakas ng mag-ama kaya tinuluyang patayin ang biktima kung saan nalimas ang malaking halaga at ilang ari-arian ng pamilya Anson.

vuukle comment

ANSON

BARANGAY STA

DITO

DOLORES ANSON

GONZAGA

HABANG

HIPOLITO

LUMILITAW

MAO APLASCA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with