Mister inutas sa harap ni misis
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 50-anyos na mister ng apat na kalalakihan sa harap mismo ng misis ng una kamakalawa ng gabi sa Barangay Villa Alvares sa bayan ng Balud, Masbate. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Leonilo Punay Sr. habang tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Barangay Kagawad Junior Cos, Eboy Del Rosario, Iko Villaruel at isang alyas Donald. Base sa police report, magkasamang nanonood ng telebisyon ang mag-asawang Punay nang kumatok sa kanilang bahay ang mga suspek. Paglabas ng biktima ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Nakatiyempo naman dumapa ang asawa ni Leonilo kaya hindi tinamaan ng ligaw na bala.
- Latest
- Trending