11 tulak-droga arestado

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 11-katao na sinasabing sangkot sa bawal na droga makaraang masakote sa isinagawang magkakahiwalay na drug bust operation sa lalawigan ng Cavite, ayon sa ulat ng pulisya. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Johndy Cubacu, Victor Malanot, Rosendo Redufo Jr., Cornelio De La Rosa, June Rollie,  Matiyaga  De Guzman, Elmer Ramos, Vincent De Guzman, Carlos Abad Jr., Jerick Bigalgal, at si Michael Lucero. Nagpapatuloy naman ang operasyon ng pulisya laban sa mga drug pusher na nagpapalakad ng bawal na droga sa Cavite.

Show comments