^

Probinsiya

3 kandidato sa Zambales congressional race

- Ni Randy Datu -

ZAMBALES, Philippines – Tatlong anak ng mga kilalang politiko sa Zambales ang ina­asahang magtatagisan para sa congressional seat ng 2nd distrito ng Zambales sa especial election na nakatakdang ganapin sa Pebrero 4, 2012.

Una nang nagsumite ng kandidatura sa Comelec ay ang bunsong anak ni Diaz na si Rica Diaz-Arambulo habang sinundan naman ng bunsong anak ni Zambales Hermogenes Ebdane Jr. na si Omar Ebdane.

Maging ang anak ni ex-Governor Amor Deloso na si Atty. Cheryl Deloso-Montalla, ay lalahok din sa congressional race.

Si Ebdane ay kasalukuyang nanunungkulan bilang provincial administrator at tagapangasiwa ng Governor’s Office Action Center na nakatuon sa mga programa at proyekto para sa indigent residents at kabataan.

Maging si ex-Vice Go­vernor Deloso-Montalla ay kasalukuyang abala sa pribadong proyekto na nakatuon sa pagkakaloob ng tulong sa mga mahihirap na kababayan, lalo na ang mga Ayta.

Ayon kay Zambales provincial Comelec supervisor Atty. Elaisa Sabile-David, itinakda sa Enero 19 hanggang Pebrero 2 ang kampanya ng mga kandidato kung saan ina­asahang magsusumite ng kani-kanilang centrificate of candidacy sina Ebdane at Deloso-Montalla sa mga susunod na araw.

Ang naturang puwesto sa Kongreso ay nabakante matapos mamayapa si ex-Zambales 2nd Rep. Antonio Diaz noong Agosto 2011 dahil sa sakit.

ANTONIO DIAZ

CHERYL DELOSO-MONTALLA

COMELEC

DELOSO-MONTALLA

ELAISA SABILE-DAVID

GOVERNOR AMOR DELOSO

OFFICE ACTION CENTER

OMAR EBDANE

PEBRERO

RICA DIAZ-ARAMBULO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with